Ang pagbabago sa wikang ating kinagisnan ay dapat pinag iisipang mabuti. Sa bawat gawi natin ay may kalakip na epekto hindi lamang sa taong gumawa nito ngunit pati na din sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa pagtatapos ng aming proyekto, inaasahan naming hindi lamang kami ang kikilos upang mapanatili ang ating nakasanayang wika. Bilang isang mag aaral at bilang isang lasalyano, marapat lamang tayong magtulong tulong sa kung anu ang nararapat. Kahit isang estudyante ay may magagawa upang sagipin ang nalulunod nating wika sa pag usbong ng bagong barayti ng wika.
No comments:
Post a Comment