Sa pagyakap
natin sa modernong panahon, niyakap na din natin ang mga pagbabago sa ating
kultura. Ilan sa mga ito ay ang paraan ng pananamit, pagkilos, pananalita at
pati na rin ang mga makabagong kagamitan
para sa pang araw araw na pamumuhay. Sa patuloy nating pagtangkilik dito, hindi
na natin napapansin na tayo ay nakakalimot sa kinagisnan nating kultura.
Ang pananalita o pakikipagtalastasan
natin sa ibang tao ay isa sa mga paraan natin upang maipahayag ang ating
saloobin, ideya at reaksyon sa isang bagay. Ito ay isa sa pinakamahalagang
bahagi ng komunikasyon ng mga tao. Dahil ito nga ay araw-araw nating ginagamit,
katulad ng katauhan, patuloy itong naiiba at nagbabago. Dahil sa impluwensya ng
modernong sosyidad at sa tulong ng midyang pangmasa, nabuo ang iba’t ibang
varayti ng wika tulad na lamang ng “Jejemon”. Lumaganap ang paggamit nito dahil
na din sa pagpapasa-pasa at patuloy na paggamit na animo’y parte na ng ating
wikang kinagisnan. Ang “Jejemon” ay nagbunga na rin sa pag kakahalo ng
pagpapaikli ng mensahe gamit ang mga teleponong selular at ang paglalaro ng mga
salita ng mga kabataan. Ayon ka Ginang Fe Lacatan, isang guro, hindi kaaya-aya
sa isang kabataan ang bumigkas ng mga salitang “Jejemon”. At sa aming
pananaliksik, tinawag ng isang kolumnista bilang isang “Jolog” sa lipunan sa
modernong panahon. Ayon naman kay Isagani R. Cruz, isang kritiko, Isa sa
pinakamayamang literatura sa mmundo ay ang literatura ng Pilipinas at
nabibilang ang ating wikang Filipino sa literatura. Kaya’t habang maaga
pa, huwag nating sayangin ang mataas na
tingin sa ating kultura. Sa halip, ating itong mas pagyamanin at palaguin. Para naman kay Jose Dakila Espiritu, guro sa Filipino at dating katulong ng dekano ng College of Education, magdudulot ang lengwaheng jejemon ng malaking kamaliang intelektwal sa mga kabataang gumagamit nito.
Walang masama sa paggamit ng
lengguwaheng “Jejemon”, ngunit kung ating mapapansin, ang ilan sa mga salita na
nagmula dito ay nanatili sa bokabularyo natin at madalas ito na lamang rin ang
sinasalita sinusulat ng mga kabataan. Unti-unti ring natatabunan o napapalitan ang ilan sa mga
salitang pinagyaman sa mga nakalipas na panahon. Kung magpapatuloy ang paggamit
ng “Jejemon” maaaring patuloy na ito na ang maging lengwahe ng susunod na
henerasyon.
No comments:
Post a Comment