Ang titulong "Wika ng Bagong Henerasyon: Isang Hamon sa Komunikasyon" ang mungkahing titulo na aming napagpasyahang gamitin. Ang kinakahulugan ng "Wika ng Bagong Henerasyon" ay tumutukoy sa walang iba kundi ang wikang Jejemon. Nasabi namin na ito ay isang hamon sa komunikasyon ay dahil hindi lahat ng Pilipino ay nakaiintindi ng Jejemon. Ang wastong kaalaman ng paksa ang pinaguusapan ay ang pinaka-importanteng bahagi ng mahusay na komunikasyon, pati na rin ang mataas na kaalaman tungkol sa lenggwahe na ginagamit.
Halimbawa nito ay ang pakikipagusap ng Pilipino na hindi marunong mag-italyano sa isang Italyano na hindi marunong mag-tagalog, kung magtatanong ang Italyano kung saan ang pinakamalapit na simbahan, malamang hindi magkakaintindihan ang dalawa at magdudlot ng iba't-ibang interpretasyon ang dalawa kung ano ang pinaguusapan. Ang isa pang halimbawa ay ang putok ng baril na nagsimula ng digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Si Private William Grayson ay nagbabantay isang araw habang may paparating na sundalong Pilipino. Sinigaw ni Grayson ang "Halt!" upang tumigil ang sundalo ngunit hindi marunong ang sundalong iyon ng Ingles kaya patuloy ang lakad niya. Nag desisyon si Grayson na barilin ang sundalo dahil hindi ito tumigil.
Sa dalawang halimbawang iyon, miihahambing natin na ang isang kulang o walang kaalaman sa Jejemon ay magkakaroon ng pagsasalungat sa konteksto ng Jejemon. Magdudulot na ito ng iba't-ibang impormasyon at kung gamitin sa sapat na oras, maaaring maging karaniwang wika ang Jejemon.
No comments:
Post a Comment