Sa pagbubuo at pagdidesenyo ng aming proyekto, napagkasunduan naming gamitin ang blog bilang midyun upang maihatid ang aming mensahe. Sa aming analisis na ginawa, mas mapapansin ito ng mga kabataan dahil mas madalas silang gumamit ng internet sa pagpasok sa makabagong mundo. Ang aming blog ay naglalaman ng mga litratong angkop at may kinalaman sa aming adbokasiya lamang, ang masamang naidudulot ng Jejemon sa kabataan at sa kanilang pag aaral, at kung paano ito maiiwasan. Bukod sa blog, mamimigay din kami ng flyers kung saan nakapaloob dito ang mga pangunahing ideya sa tungkol sa Jejemon at ilang mensahe na nakapaloob din sa blog. At sa huling bahagi, napagkasunduan din namin na gumawa ng isang video presentation kung saan maipapakita ng kahalagahan ng ating Wikang Filipino at kung paano ito mapapagyaman ng isang ordinaryong estudyante.
Paunang Konsepto sa flyer at blog:
Paunang Konsepto sa flyer at blog:


No comments:
Post a Comment